
Nagpahayag ng pasasalamat si Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko sa Philippine Coast Guard (PCG) para sa mabilis na pagtugon at pagliligtas sa limang Japanese crew member na sakay ng isang tumagilid na barko sa karagatan ng Calapan, Oriental Mindoro.
Ayon kay Kazuhiko, todo ang kanilang pasasalamat sa Philippine Coast Guard dahil sa kanilang dedikason sa trabaho at walang alinlangan na sinagip ang buhay ng limang crew members.
Bilang tugon, sinabi ng PCG na parte ito ng kanilang serbisyo.
Ipinahayag din ni Japan Coast Guard (JCG) commandant Admiral Shohei Ishii ang kanyang pasasalamat sa para sa “prompt and brave rescue operation” nito upang matiyak ang kaligtasan ng limang crew ng barko.
Binanggit din niya kung paano nagpadala ang gobyerno ng Japan ng disaster relief team para tumulong sa pagtugon sa oil spill sa mismong lugar kung saan iniligtas ang mga Japanese crew members.
Una na rito, nasa ligtas nang kalagayan ang limang Japanese crew ng isang fishing vessel matapos makaranas ng maritime accident sa Calapan, Oriental Mindoro.










