-- Advertisements --

Naglabas ng emergency alert ang Prime Minister’s Office ng Japan ngayong araw, matapos ang pinaghihinalaang ballistic missile launch mula North Korea.

Inatasan ni Prime Minister Sanae Takaichi ang lahat ng ahensya na magbigay ng maximum effort sa pagkalap ng impormasyon, tiyakin ang kaligtasan ng mga asset, at magsagawa ng precautionary measures upang mapanatili ang seguridad ng bansa.

Ayon sa opisyal na pahayag, agad na isinailalim sa heightened monitoring ang aviation at maritime sectors, habang pinaalalahanan ang publiko na manatiling alerto at sundin ang mga abiso ng pamahalaan.

Ang insidente ay muling nagbigay-diin sa patuloy na banta ng North Korea sa rehiyon, na nagdudulot ng pangamba sa kaligtasan at katatagan ng East Asia.

Ang emergency alert na ito ay bahagi ng mabilis na pagtugon ng Japan upang matiyak na handa ang bansa sa anumang posibleng panganib na dulot ng tensyon sa Korean Peninsula.