ILOILO CITY – Umani ng sari-saring reaksiyon ang isinusulong na batas ng alkalde ng Osaka City sa Japan na ang mga lalaki nalang ang papayagang makapamili dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso sang Coronavirus disease 2019 (COVID-19)
Ayon kay Bombo International Correspondent Josel Palma na nasa Japan, isinusulong ngayon ni Osaka City Mayor Ichiro Matsui na ang mga lalaki na lang ang papayagang makapamili dahil mas matagal pumili ang mga kababaihan na madalas na nagiging dahilan ng pagsiksikan sa mga pamilihang bayan at super markets.
Ani Palma, hindi na bago sa Japan na ang mga lalaki ang namimili subalit ito ang unang pagkakataon na may isang public official ang nag utos na gawin itong mandatory.
Ang nasabing pahayag ni Matsui ang nagtulak sa kilala nga Japanese journalist nga si Shoko Egawa nga mag-post sa social media ng mga katagang “People who know nothing about daily life shouldn’t make comments.”
Ang nasabing tweet ayon kay Palma ang umani rin nga maraming shares at comments at karamihan ay pabor sa naging pahayag ni Egawa.
Dagdag pa ni Palma, isinailalim na sa state of emergency ang Osaka City mula pa noong Abril 7 dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Noong nakaraan lang, may dumaong nanamang Italian Cruise Ship sa port ng Nagasaki kung saan karamihan sa mga crew ay nagpositibo sa nasabing virus.
Sa ngayon umabot na sa 12,429 ang numero ng mga kaso ng COVID-19 sa buong Japan.
Sa nasabing bilang, 2,408 na ang naka recover at 328 na ang namatay.