-- Advertisements --
James Harden

Isang linggo na lamang bago ang tuluyang pagsisimula ng bagong Season ng NBA, patuloy pa rin ang drama sa pagitan ng Philadelphia 76sixers at ni James Harden.

Tuloy-tuloy naman ang pag-eensayo ni Harden sa koponan sa mga nakalipas na araw ngunit hindi pa ito nakapaglaro ng preseason game.

Ginamit ni Harden ang $35.6M player option niya para manatili sa Philly pero pagkatapos nu’n ay gusto nang magpa-trade.

Maalalang unang hiniling ni Harden na mai-trade sa ibang koponan mula sa kasalukuyang Philadelphia 76ers sa pagtatapos ng nakaraang season, ngunit sa loob ng ilang buwan na pagpapahingan ng NBA, mistulang wala pa ring gaanong interesado sa batikang shooter.

Ito ay sa kabila ng una nang binanggit ni Harden na nais niyang mapunta sa Los Angeles Clippers mula sa Sixers.

Si Harden ay kasalukuyang nasa kontrata kasama ang Sixers ngunit dahil sa hindi pagkakaunawaan kasama ang isang executive ng naturang koponan, ipinipilit nitong lumipat.

/ Tropio Anuada /

Top