-- Advertisements --
Binati ni Hollywood director James Cameron ang nasa likod ng pelikulang “Avengers: Endgame” matapos na naungusan na ang pelikula nitong “Avatar” bilang highest-grossing movie of all time.
Hawak kasi ng pelikulang “Avatar” ang nasabing record sa loob ng 10 taon.
Mula kasi ng ipalabas ang pelikula noong 2009 ay mayroong kabuuang $2.789 billion subalit ang “Avengers” ay mayroong kabuuang kita ng $2.7902 billion.
Sa kaniyang social media ay binati ng director ang nasabing pelikula sa pamamagitan ng paggamit ng fictional Na’vi languange.
Ang dalawang pelikula ngayon ay pag-aari na ng Disney matapos na mabili nito ang 21st Century Fox.