-- Advertisements --

ORLANDO, Florida — Kumamada ng 22 points si Jamal Murray, mayroon namang 20 points at pitong rebounds si Nikola Jokic at umarangkada ang dalawa sa huling bahagi ng laro para ipanalo ang Denver Nuggets kontra Orlando Magic, 91-87.

Nagawang maipasok ni Jokic ang kanyang tira sa hulling 1:53 ng laro para itaas ang lamang ng Denver sa 84-81.

Si Murray naman ay nakagawa ng jumper sa huling 1:24, naipasok ang kanyang dunk at nakamit ng Denver ang 88-83 lead sa huling 35 seconds ng laro.

Tinapos niya ang laro sa pamamagitan ng dalawang free throws sa huling 5.1 seconds.

Nabatid na tanging 37 percent lamang ang shooting average ng Nuggets, subalit nakabawi sa third quarter nang tanging pito lamang sa 25 shots ang naipasok ng Magic.

Samantala, tumipa ng 24 pointssi Nikola Vicevic para sa Orlando, at nagdagdag ng 21 points at siyam na rebounds si Aaron Gordon.