-- Advertisements --
Naibenta sa halagang $111,000 ang fleece jacket na sinuot at pirmado ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Ang nasabing pondo ay bilang bahagi ng fundraising activity sa Ukraine.
Ibinenta ang nasabing jacket sa London.
Ibinahagi rin ng Ukrainian Embassay sa United Kingdom ang nasabing video kung saan suot ni Zelensky ang jacket at ito ay pirmado niya.
Layon din ng kaganapan ay para maipakita ang kuwento ng kalakasan ng Ukraine sa paglusob ng Russia.
Kasamang ibinebenta rin sa “Brave Ukraine” fundraisers ang mga laruan na donasyon ni Ukrainian First Lady Olena Zelenska at larawan na kuha ng namayapang si Max Levine.