Naglabas ng kanyang opisyal na pahayag ang vlogger at aktres na si Ivana Alawi kaugnay sa isyu na may relasyon umano sila ni Bacolod Mayor Albee Benitez.

Ayon sa aktres, ito ang una at huling beses na magsasalita siya tungkol sa isyu.

Ayon kay Alawi, “I tried to stay quiet at dumedma na lang dahil sa paniniwala ko na hindi ako dapat magsalita lalo kapag alam ko na wala akong ginagawang masama,” pero dahil umano sa mga maling akusasyon at masasakit na salita na ibinabato sa kanyang ina at kapatid na si Mona, kinailagan niya nang linawin ang mga bagay.

Sinabi ni Alawi na nakilala niya si Benitez, na inilarawan niya bilang “accommodating and friendly,” nang magtrabaho siya sa Bacolod.

At hindi lang umano ito ang politikong nakilala niya at naging kaibigan.

Nilinaw ni Ivana na kasalukuyan siyang masaya sa kanyang kasintahan na negosyante at hindi politician.

Nauna nang natsismis sina Alawi at Benitez nang makitang magkasamaang dalawa sa isang airport noong nakaraang buwan.