-- Advertisements --
image 434

Kinumpirma ng militar ng Israel na tinamaan ng kanilang jets ang infrastructure at mortar launchers ng Syrian army nitong umaga ng Miyerkules bilang tugon sa inilunsad na rocket attack ng Syria sa Israel.

Ayon sa Israel, natukoy ang 2 rocket launches mula sa Syria na bumagsak sa open areas noong gabi ng Martes at ginantihan naman ng Israel ng kanilang artillery fire.

Maliban dito, hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye ang militar at hindi nito inakusahan ang Syrian army ng pagpapakawala ng 2 rockets na nagpatunog sa air raid sirens sa okupadong teritoryo ng Israel na Golan heights.

Wala pa ding komento ang panig ng Syria sa naturang pag-atake.

Una rito, nakipagpalitan ng rocket launch ang Israel sa militanteng Hezbollah sa Lebanon at mga militante na nasa Syria sa nakalipas na araw na sumiklab matapos ang giyera sa pagian ng Israeli forces laban sa militanteng Hamas sa Gaza matapos ang inilunsad na sorpresang pag-atake sa Holy land.