-- Advertisements --
Prime Minister Benjamin Netanyahu
PM Netanyahu/ IG post

Iniulat ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na nakatanggap na ito ng panibagong listahan ng mga bihag na nakatakdang palayain ng militanteng grupong Hamas bukas, Nobyembre 25, 2023 oras sa Pilipinas.

Ito ay matapos ang unang araw ng pagpapalaya ng pagpapalaya ng Hamas sa 24 na mga bihag nito.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Israeli Prime Minister Netanyahu na sa ngayon ay sinusuri na ng Israeli security officials ang naturang listahan.

Kung maaalala, una nang nakalabas sa Gaza ang unang batch ng mga bihag na pinakawalan ng Hamas kabilang na ang ilang kababaihan at kabataan sa pamamagitan ng pagtawid sa Rafah border sa tulong na rin ng mga Egyptian authorities, at iba pang staff members ng International Committee of the Red Cross.