-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Muling inactivate ng pamahalaan ng Israel ang kanilang Iron Dome matapos ang ginawang Rocket attack ng Palestinians sa Gaza Stip.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Mina Fabros Marquez,OFW sa Israel, naitala na rin ang ilang terror attack sa Jerusalem matapos na pagbabatuhin ng ilang Arabs ang shuttle bus na ikinasugat ng ilang katao.

Sa ngayon ay may tatlong holidays na ginugunita sa Jerusalem ang Ramandan para sa mga Arab, Holy Week para sa mga Kristiyano at Passover meal.

Dahil sa ilang pag-atake ay muling inactivate ng Israeli Government ang kanilang Iron Dome kung saan nagpakawala sila ng rocket sa Gaza.

Nanatili pa rin sa pinakamataas na alerto ang mga otoridad sa Israel bilang paghahanda sa inaasahang rocket attack mula sa kalabang bansa .

Sa kabila ng mga pag-atake ay nanatili pa ring normal ang pamumuhay ng mga residente sa naturang bansa.