Nakuha na ng kasalukuyang lightweight champion na si Islam Makhachev ang korona bilang No.1 fighter sa Ultimate Fighting Champion(UFC) para sa linggong ito.
Ang No. 1 spot ay dating hawak ni Jon ‘Bones’ Jones ngunit nagka-injury ito sa kanyang pectoral muscle nitong huling bahagi ng Oktubre at napilitang umatras muna sa UFC 295 heavyweight title defense laban kay UFC fighter Stipe Miocic.
Inaasahang sa kalagitnaan pa ng 2024 makakabalik ang dating No.1 fighter.
Ang ranking para sa mga top fighters ng UFC ay kalimitang isinasagawa sa pamamagitan ng pagboto ng mga Media at sports personalities.
Dito ay pinagbabatayan nila ang bawat weight class kung saan napapabilang ang bawat fighter.
Sa kaslaukuyan, hawak ni Islam Makhachev ang 25 – 1 – 0 na win/loss record.