-- Advertisements --
Screenshot 2021 01 23 09 29 21

LEGAZPI CITY- Tinatapos na lamang ngayon sa committee level ang bill para sa Economic Charter-Change na target na masimulan na ang plenary debate sa Kamara sa buwan ng Pebrero.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr., nanindigan itong ngayon na ang panahon upang ipasa ang Cha-Cha na malaki ang maitutulong para sa pagbangon ng bansa na labis na naapektohan ng coronavirus disease pandemic.

Sakali kasing maipasa ang Economic Cha-Cha bibigyan nito ng mas maluwag na restrictions ang pagnenegosyo sa bansa na makatutulong umano upang makaengganyo ng mas maraming investors at negosyante na mamumuhonan sa Pilipinas.

Inaasahan rin ni Garbin na ito na ang magiging solusyon upang hindi na mapilitan pa ang mga Pilipino na mangibang bansa upang makahanap ng trabaho.

Kaugnay nito, nanawagan ang mambabatas sa mga kasamahan na ipasa na ang bill upang hindi na abutan pa ng eleksyon at pagpapalit ng Kongreso sa taong 2022.