-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Mahigit 10 kompanya ang nakilahok sa job fair na isinagawa kasabay ng Ikaapatnaput apat na founding anniversary ng Isabela State University (ISU) Echague.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay University Director Eng’r Edmund Obiña ng Office of the Student Affairs, sinabi niya na ang pagkakaroon ng Job Fair sa ISU- Main Campus ay bahagi ng students affairs program para sa mga graduating students at isinasabay ito tuwing founding anniversary.

Taunan itong isinasagawa maliban na lamang sa nakalipas na dalawang taon dahil sa pandemya.

Aniya may mga pagkakataong mas nauuna minsan ang job fair dahil simple na lamang ang kanilang pagdaraos ng founding anniversary.

Sa mga nakalipas na taon ay maraming graduating students ang nag apply sa mga nakiisang kompanya.

Maliban pa sa mga ito ay marami ring outsiders ang nag aaply.

Inaasahan na marami ang mga studyanteng nag apply dahil nagkaroon sila ng abiso para sa nasabing Job Fair.