-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio nga isang vendor ng Bankerohan Public Market ang nag positibo sa coronavirus disease (covid 19).

Sinabi ni Mayor Sara na sana magsilbing babala na ito sa mga pasaway na tao na halos araw araw pumupunta ng palengke sa hindi niya malamang kadahilanan.

Matatandaan na na-una nang nanawagan si Mayor Sara sa publiko na huwag palaging pumunta ng mga palingke dahil posibling makahawa o mahawaan ng nakamamatay na virus.

Maliban sa palengke, pinagbawalan din ng alkalade ang mga dabawenyos na pumunta ng mga supermarkets, ospital pati na rin sa mga punenarya.

Ang naturang apat na mga lugar ay siyang pinanggagalingan ng virus dahil sa pagdagsa ng maraming mga tao.

Sa ngayon ang davao city ay nakapagtala na ng 113 total number of covid positive cases, 589 recoveries, at 19 na mga namatay.