-- Advertisements --

Nasa ligtas ng kalagayan matapos masagip ang 168 na pasaherong lulan ng barkong MV SWM Salve Regina na sumadsad sa Sitio Agbuyog, Barangay Capaclan Romblon nitong araw ng linggo.

Sakay din nito ang 55 crew members at 21 rolling cargoes.

Umalis sa Magdiwang Port sa Romblon ang passenger vessel at patungo ng Romblon, Romblon nang mangyari ang insidente.

Matapos na sumadsad ang barko, agad namang nakipag-ugnayan ang Coast Guard Station Romblon sa mga lokal na awtoridad parailikas ang mga pasahero.

Wala naman nakitang bakas ng tumagas na langis mula sa sumadsad na vessel.