-- Advertisements --
1 NPA napatay sa NegOr

Nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng 62nd Infantry Battalion at komunistang NPA ngayong umaga, Nobyembre 21, 2022 sa Guihulngan City Negros Oriental.

Umabot sa limang minutong palitan ng putok sa magkabilang panig na humantong sa pagkamatay ng isang miyembro ng NPA.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad mula sa residente ng lugar kaugnay sa presensya ng mga NPA sa lugar kaya isinagawa ang operasyon.

Nasamsam naman ng tropa ng pamahalaan ang isang M16 na may tatlong magazine.

Inaalam pa rin sa ngayon ang pagkakakilanlan ng napatay na komunistang NPA.