-- Advertisements --
Isang babaeng nasa 90s ang naipit sa loob ng limang araw sa mga durog na bato matapos ang lindol sa Japan.
Hindi baba sa 126 katao ang namatay sa magnitude 7.5 na lindol noong New Year’s Day at sa mga aftershocks.
Ang pagyanig at ang mga aftershocks nito ay nagdulot din ng mga pinsala gaya ng pabagsak ng mga gusali, malaking sunog, at tsunami wave na mahigit isang metro.
Samantala, ang naturang matandang babae ay agad naman na naidala pa sa ospital at malinaw naman umano na sumasagot sa mga tanong.