-- Advertisements --

NAGA CITY-Patay ang isang lalake pagkatapos itong aksidenteng mabanggaan sa Gumaca, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Kent, menor de edad, residente ng Brgy. Camohaguin Gumaca, Quezon.

Kinilala naman ang suspek na si alyas Kim, 24 anyos, residente ng Purok 7 Cawit Extension, Magallanes, Sorsogon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na alas-10:15 aniya ng umaga kahapon, Mayo 17, nangyari ang aksidente sa Maharlika Highway na parte pa ng Brgy. Camohaguin Gumaca, ng nabanggit na probinsya.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, habang binabagtas aniya ni alyas Kim ang daan gamit ang isang Isuzu Traviz Flexi Truck nang bigla na lang aniyang tumawid ng daan si alyas Kent, rason upang ma-side swipe ito ng suspek.

Kaagad naman aniyang dinala ang biktima sa ospital ngunit binawian lang naman ito ng buhay habang ginagamot.

Sa ngayon, dinala na ang suspek sa Gumaca Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.