-- Advertisements --
image 366

Napabagsak ng mga sundalo ng Ukraine gamit ang kanilang AK-47 automatic weapons ang isang Chinese-made drone na retrofitted at weaponized sa may eastern Ukraine.

Natukoy na isang Mugin-5 na isang commercial unmanned aerial vehicle (UAV) na gawa ng Chinese manufacturer ang nakitang wreckage na bumagsak sa eastern Ukraine.

Ang manufacturer na may gawa ng nasabing drone ay nakabase sa port city ng Xiamen sa eastern coast ng China.

Una ng sinabi ng Security Service of Ukraine na inalerto sila ng kanilang agents na nakabase sa mga teritoryong kontrolado ng Russia na isang Unmanned aerial vehicle ang inilunsad patungo sa Ukrainian target.

Top