CAUAYAN CITY -Umaabot sa P72,000 ang halaga ng tinangay ng mga magnanakaw matapos pagnakawan ang isang cellphone shop sa San Mateo,sISabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginang April Marso, may-ari ng cellphone shop na ang mga pinaghihinalaan ay dumaan sa bubungan ng kanilang bahay kalakal.
Gabi ng naganap ang pagnanakaw at nagulat na lamang sila ng makitang may butas ang bubungan ng kanilang bahay kalakal at nang suriin ang kanilang paninda ay aabot sa P72,000 ang halaga ng ninakaw.
Sa isinagawang operasyon ng pulisya ay nahuli ang mga pinaghihinalaan at ang isa sa kanila ay 17-anyos.
May apat na cellphone na narecover habang hindi na nabawi ang ibang ninakaw.
Natukoy ang mga pinaghihinalaan matapos magbenta ng murang cellphone at nakuhanan din ng CCTV camera.
Sinampahan na ng kaso ang mga suspek.