-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Hinimok ng Isabela Consumers Watch Inc. sa mga member consumers ng ISELCO 2 na nakakasakop sa 18 at isang Lungsod na huwag magbayad ng kanilang bill sa kuryente mula Abril hanggang Mayo dahil sa paniningil ng share capital.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Raffy Jacinto, Presidente ng Isabela Consumers Watch Inc. na ang kanilang bill noong April to May 2022 ay siningil ang mga member consumer ng 100 pesos share capital na hindi naman naaprubahan ng mga member consumer owner .

Dahil dito ay ipinanawagan niya sa mga member consumer na ipakita ang kanilang pagtutol sa hakbang ng ISELCO 2 at huwag munang magbayad sa kanilang bill.

Hindi anya sila maaaring putulan ng daloy ng kuryente dahil dalawang buwan ang ibinibigay na palugit sa mga member consumer bago sila maputulan ng daloy ng kuryente.

Ang hakbang din na ito ng mga member consumers ay pagpapakita sa kanilang pagkondena sa pagpatay kay Internal Audit Manager Agnes Palce ng ISELCO 2.

Naniniwala anya si Ginoong Jacinto na ang pagpaslang kay Palce ay may kinalaman sa kanyang trabaho.

Samantala, inihayag naman sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan ni Finance Manager Liborio Medrano ng ISELCO 2 na ang Capital share ng bawat member consumer ay 1,200 pesos.

Ang dividend ay pina-aprubahan nila noong Annual General Assembly noong September 2020 at naibigay nila noong January 2022 billing at creditted bilang advance payment ng mga member consumer owner na nakapagbayad ng kanilang capital share as of Deecember 31, 2018.

Nilinaw pa ni Finance Manager Medrano na ang inaawas na capital share sa mga member consumers ay depende sa kanilang nakokonsumong kuryente hanggang maabot ang P1,200 na capital share ng bawat member consumer.