CEBU CITY – Iniimbestigahan pa ng otoridad ang nangyaring banggaan ng multicab na may dalang isda at dalawang malalaking trak sa isang national highway sa Brgy. Bulacao, lungsod ng Cebu.
Dead on the spot sa banggaan kaninang madaling araw ang drayber ng multicab na si Edwin Saldana, samantalang nasa kritikal na kalagayan ang asawa nitong si Daiana Mariwen Saldana.
Ayon kay Chief Master Sgt. Renante Abuzo ng Pardo Police Station, papunta na sana ang multicab sa City of Naga dala ang banye-banyerang mga isda mula sa Pasil Fish Market.
Nang tumigil ang nasabing sasakyan, biglang bumangga sa likod ang isang cement mixer truck at tumilapon ito sa kabilang lane habang bumangga naman sa harapan ang isa pang trak.
Lubhang nasira ang multicab matapos ang banggaan kaya sumugod kaagad ang mga medical responders at mga kinauukulang otoridad.
Nagtamo ng serious injury ang mga biktima ngunit binawian ng buhay ang driver.
Habang sa isinugod kaagad sa pagamutan ang kasama nito.










