-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay ang isaNG katao at apat ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Sa inisyal na ulat ng Pigcawayan PNP, unang pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek ang tatlo katao na sakay ng kotse sa harap ng El Grande Resort sa Sitio Philrock, Brgy Baguer, Pigcawayan, Cotabato.

Ngunit nagawa pa ng driver ng Toyota Wigo kulay itim na imaneho ang sasakyan hanggang bumangga ito sa pampasaherong town ace jeep sa crossing Baguer sa bahagi ng national highway.

Binawian ng buhay ang isa sa mga sakay ng kotse, habang sugatan ang driver at sakay nito.

Sugatan din naman ang dalawa katao sa pagkabangga ng kotse sa townace jeep.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pigcawayan PNP sa pagkakilanlan ng mga biktima at mga suspek sa naturang pangyayari.