CAUAYAN CITY- Namatay ang isang lolo at dalawa pa ang nasugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo at kulong sa Provincial Road, Barangay Marana 1st., Ilagan City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office ang nasawing biktima na si Same Tanilon, 65 anyos, may asawa ay nagmamaneho ng pulang motorsiklo habang ang isa pang nasangkot sa aksidente ay isang itim na suzuki Raider 150 na minamaneho ni Jhon Jhon Pinera, 30 anyos , kapwa residente ng Bagong Labang City of Ilagan at isang Kulong-kulong na minamaneho ni Juanito Buizon, 47 anyos , residente rin ng Ilagan City.
Binabaybay umano ni Buizon Ang pababang daan patungong National Highway ng Barangay Marana habang nasa kasalungat na linya ang dalawang motorsiklo patungong Batong Labang, City of Ilagan.
Habang bumibiyahe ang tatlong sasakyan ay bigla na lamang umanong umagaw ng linya so Buizon partikular sa kasalungat na Daan kung saan nakalinya ang dalawang motorsiklo na minamaneho nina Tanilon at Pinera
Ngtamo ng malalang pinsala sa katawan sina Pinera at Buizon habang Malala Naman Ang natamong pinsala sa ulo ni Tanilon na nagsanhi ng kaniyang agarang pagkasawi batay sa deklarasyon ng Rescue 1124.
Nagpapagaling na sa pagamutan ang dalawa pang tsuper na nakaligtas sa aksidente bagamat nasa kritikal na kondisyon si Buizon na nagpositibo sa alcoholic breath analyzer.