-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Namatay ang isang helper ad dalawa ang nasugatan sa pagsalpok ng closed van sa nakaparadang 10-wheeler truck sa Barangay Magsaysay, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Major Jesus Ventura , hepe ng Bayombong Police Station na ang sinalpok na 10-wheeler truck na minamaneho ni Jerwin Lopez, 41 anyos, residente ng Sinamar Roxas, Isabela.

Ang closed van ay minamaneho ni Erwin Sanchez, 31 anyos kasama ang dalawang helper na sina Amadeo Rios, 24 anyos, kapwa residente ng Tiaong, Quezon at Leo Pagaduan, 28 anyos na residente ng Balagtas, Bulacan .

Aksidenteng bumangga ang closed van sa likod ng nakaparadang trailer truck at dahil sa lakas ng impact ay naitulak ng 10 metro at nailipat sa kabilang kalsada ang truck.

Dead on arrival sa pagamutan ang biktima na si Leo Pagaduan habang sugatan ang helper na si Rios at driver na si Sanchez.

Ayon kay Police Major Ventura, nakaidlip umano ang driver ng close van kung kaya’t sumalpok ito sa likurang bahagi ng trailer trak na may plate number WSU 130.