-- Advertisements --
Nagpasalamat ang American rock band na Goo Goo Dolls matapos ang umabot sa sa mahigit 1-billion streams sa Spotify ang kanta nilang “Iris”.
Sa kanilang social media account ay nagpost ang New York based band ng kanilang pasasalamat.
Ang 1998 hit songs kasi ng grupo ay nanatiling number 1 sa Billboard Hot 100 Airplay sa loob ng 18 linggo.
Nominado rin ang nasabing kanta bilang Record of the Year, Pop Performance by Duo o Group at Song of the Year sa 41st Grammy Awards.
Ginamit rin ang kanta sa pelikulang “City of Angels” na pinagbidahan noon ni Nicolas Cage at Meg Ryan.