Nangako si Iran Supreme leader Ayatollah Ali Khamenei na ipaghihiganti nila ang pagkamatay ng Hamas political leader na si Ismail Haniyeh.
Kaugnay nito, ayon sa reports ipinag-utos ng Iran leader ang pag-atake ng direkta sa Israel. Kapwa kasi isinisis ng magkaalyadong Hamas at Iran ang pagkamatay ni Haniyeh sa Israel.
Sa parte naman ng Israel, hindi nito kinumpirma o itinanggi sa ngayon kung may kinalaman ito sa pagkamatay ng Hamas leader.
Bagamat nangako naman si Israeli Prime Minsiter Benjamin Netanyahu na patuloy silang lalaban at nakahanda aniya ang kanilang bansa para sa anumang scenario at inihayag din na nakapaghatid sila ng ‘crushing blows’ sa kanilang mga kalaban.
Samantala, libu-libo naman ang nagtipun-tipon sa kapital ng Iran na Tehran kasabay ng isinagawang prosesyon sa kabaong ng nasawing Hamas leader sa mga kakalsadahan doon. Pinangunahan naman ng Iran Supreme leader ang prayer service sa na-assassinate na Hamas leader.