-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Iran na kanilang tinamaan ang kanilang US targets sa Middle East region.

Ayon sa Revolutionary Guards ng Iran , na ang hakbang ay bilang ganti sa ginawang airstrikes ng US sa paligid ng Strait of Hormuz.

Inakusahan kasi ng foreign ministry ng Iran ang US sa paglabag sa peace agreement.

Una ng kinumpirma ng Bahrain kung saan mayroong US military base doon na may isinagawang drone strikes ang Iran.

Hindi naman binanggit ng Iran kung anong mga natamaan nila sa nasabing strikes.