-- Advertisements --
Nagkakaroon na ng magandang resulta ang pag-uusap ng Iran at US.
Ayon kay US President Donald Trump, na nagkakausap ang mga kinatawan ng Iran at US sa telepono matapos na binigyan niya sila ng ultimatum ng hanggang 48 oras.
Giit pa nito na mayroon ng isang tsansa ang Iran para matapos ang banta ng US at kailangan na nila itong tanggapin.
Natitiyak din ni Trump na hindi na makakagawa pa ng anumang nuclear weapons ang Iran.
Magugunitang binantaan ni Trump ang Iran na kanilang bobombahin ang mga oil faciities nito sakaling hindi nila buksan ang Strait of Hormuz.
















