-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Namahagi ang Integrated Provincial Health Office o IPHO-Cotabato ng assistive devices para sa mga PWDs o Person with Dreams sa bayan ng Midsayap Cotabato.

32 assistive devices tulad ng walkers, cane, at wheelchairs ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo.

Sa mensahe ni Mayor Rolly ‘Ur da Man’ Sacdalan, inihayag nitong ang mga proyektong mula sa Probinsya ng Cotabato ay tatak ng pagmamahal at pagpapahalaga nito sa bayan ng Midsayap.

Dagdag pa nito na marami pa dapat aasahang mga programa mula sa Probinsya ng Cotabato sa pamumuno ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza.

Labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa kanilang natanggap sapagkat ito’y malaking tulong para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Dumalo din sa pamamahagi ng mga assistive devices sina Board Member Sarah Joy Simblante, Provincial Health Officer II Dr. Eva C. Rabaya, Municipal Health Officer Dr. Amymone D. Rayray at Konsehal Morata Mantil.