-- Advertisements --

Nananatili ngayong at-large ang lalaking suspek ng pananaksak sa kainuman nito kagabi, Nobyembre 13 sa Brgy. Agus lungsod ng Lapu-lapu.

Nakilala ang biktima na si Francisco Ompad, 54 anyos, isang construction worker habang ang suspek ay si Hermingildo Amistad Jr., 43 anyos.

Napag-alaman sa isinagawang imbestigasyon na nag-inuman ang dalawa bago nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

Pinagsasaksak ng ni Amistad si Ompad gamit ang kitchen knife na tumama sa kaliwang bahagi ng likod nito.

Agad na tumakas palayo ang suspek habang dinala naman ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan.

Inihayag pa ni PMaj Karen Bacoleta na patuloy pa ang kanilang ginawang pagtugis sa suspek para masampahan ng kaukulang kaso.

Pinaalalahanan naman nito ang publiko na uminom ng katamtaman.