-- Advertisements --

Pumanaw na ang content creator na si Sammy Manese.

Kinumpirma ang kaniyang pamilya ang pagpanaw niya nitong araw ng Nobyembre 29.

Hindi na nila binanggit pa ang sanhi ng kamatayan ng nasabing kilalang social media influencer.

Noong Hunyo 2021 ng ibunyag ng kapatid nito na siya ay itinakbo sa pagamutan dahil sa sakit sa puso.

Gumaling na aniya ito noong mga nagdaang taon subalit bumalik muli ang sakit niya.

Kilala siya sa paggawa ng mga comedy videos, lifestyle vlogs at mga nakakatawang skits kasama ang pamilya ang malalapit na kaibigan.

Mayroon itong 1.93 milyon subscribers sa Youtube at 289,000 followers sa Tiktok.