-- Advertisements --
Matagumpay ang makasaysayang paglipad sa planetang Mars ng Ingenuity helicopter.
Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) na ito ang itinuturing nilang first powered, controlled flight na lumipad patungo sa ibang planeta.
Nasa Jet Propulsion Laboratory sa Pasadena, California ang helicopter team para makatanggap at mapag-aralan ang mga data mula Ingenuity flight.
Nauna ng ipinagpaliban ang flight noong Abril 11 dahil sa nagkaroong aberya at nitong Lunes ay itinuloy ng NASA ang paglipad ng Ingenuity.
Katulong ng helicopter ang Perseverance rover at ang kaniyang mission team sa Earth para magbigay ng komunikasyon.