-- Advertisements --
image 86

Kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin na muling maitatalaga sa pwesto si Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. John Vincent Uy.

Si Uy ay kasama sa mga cabinet secretaries na na-bypass din kamakailan ng Commission on Appointments.

Ayon kay Bersamin, nasa Estados Unidos lamang si Uy kaya hindi ito nakasama kanina sa kanila na naitalaga muli at napanumpa sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pagdating aniya nito sa bansa ay matatanggap din ni Uy ang reappointment ng pangulo at saka panunumpain sa puwesto.

Samantala, iginiit ni Bersamin na prerogative ni Pangulong Marcos ang pagpili at pagtatalaga ng opisyal na papalit sa iniwang pwesto ni Secretary Trixie Cruz Angeles.

Bagaman may mga lumalabas na aniyang mga pangalan ng posibleng ilagay sa puwesto, sinabi ni Bersamin na irespeto na lamang ang pangulo at hayaan na munang mapag aralan nito kung sino ang itatalaga sa pwesto bilang bagong press secretary.

Abala lamang aniya sa ngayon ang pangulo sa maraming trabaho at kalaunan ay maglalagay din ito ng opisyal.