Inaresto ng mga awtoridad ang isang Indian national na wanted dahil sa kasong illegal recruitment noong Lunes, Nobyembre 14, 2022 sa Sitio Ciwac, Brgy. Bulacao nitong lungsod ng Cebu.
Nakilala ang naaresto na si Harjot B Singh, alyas James Seiz Singh, 24 anyos.
Mayroon itong standing warrant of arrest para sa illegal recruitment (Section 6 of R.A. 8042) na inamyenda ng R.A. 10022 na inisyu ni Presiding Judge Ricky Jones Sanchez Macabaya ng Regional Trial Court, Branch 5, at may inirekomendang piyansa na PhP120,000.
Tinagurian din si Singh na Top 2 most wanted person- Municipal level.
Nag-ugat pa ang pag-aresto nito matapos inakusahang nanloko ng hindi bababa sa 26 na residente dito para sa umano’y mga oportunidad na trabaho sa ibang bansa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Pardo police station ang suspek para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.