-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa pagkamatay ng isang Indian national na natagpuang tadtad ng saksak at may gilit sa leeg sa kanyang inuupahang bahay sa Villa Paterna Subdivision, Brgy. Cano-an, Estancia, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lieutenant Jobert Amado, hepe ng Estancia Municipal Police Station, sinabi nito na nakatusok pa ang kutsilyo sa likod ng hindi pinangalanang biktima ng matagpuan ito ng kanyang tauhan.

Naniniwala naman ang mga pulis na pagpanakaw ang motibo sa krimen kung saan posibleng kilala mismo ng biktima ang mga suspek dahil walang forcible entry sa kanyang bahay.

Wala namang may nakuhang pera sa biktima dahil nakatago ito sa kanyang kotse.