-- Advertisements --

Nanawagan si Indian actress Rashmika Mandanna na huwag ipakalat ang anumang deepfake na videos na nakikita sa internet.

Ang 27-anyos kasi na actress ay siyang pinakahuling biktima ng deepfake videos.

Ang deepfake videos ay pinapalitan ang mga mukha ng tao na kadalasang ginagamit sa mga pornograpiya.

Sabi ng actress na ang nasabing insidente ay lubos na nakakabahala at nakakatakot.

Umaasa ito na maaksyunan ito ng mga otoridad para mawala na ang pagkalat ng mga iba’t-ibang deepfake videos.