Binawian ng buhay ang isang dating barangay kapitan at kasalukuyang konsehal ng Barangay General Climaco sa lungsod ng Toledo.
Ito’y matapos pinagbabaril ng riding in tandem suspek kahapon, Oktubre 9, sa Barangay Bagakay ng nabanggit na lungsod.
Nakilala ang biktima na si Antonio “Anto” Canonigo,52 anyos.
Base sa imbestigasyon, lulan ng isang motorsiklo si Canonigo at tutungo na sana sa bahay na dadaluhan ng pista nang bigla nalang itong pinagbabaril ng nakabonnet na suspek na sakay ng isa pang motorsiklo.
Sinasabing nakaganti pa umano ng putok ang kasama ng biktima at natamaan sa paa ang suspek ngunit nakatakas pa rin papalayo sa lugar.
Agad na isinugod sa malapit na pagamutan si Canonigo ngunit dineklarang dead on arrival matapos nagtamo ng dalawang tama ng bala sa likod na bahagi ng katawan.
Narekober sa crime scene ang sampung 10 empty shell ng 45 caliber pistol, isang slug, isang magazine at tatlong bala ng parehong armas.
Patuloy namang iniiimbestigahan ng pulisya ang nangyaring krimen samantalang hustisya ngayon ang sigaw ng pamilya ng biktima.