-- Advertisements --

Mananatili umanong buhay kay KC Concepcion ang alaala ng kanyang lola sa father’s side.

Ito’y matapos pumanaw na sa edad na 79 si Maria Lourdes Arellano Concepcion, ang ina ng kanyang celebrity daddy na si Gabby Concepcion.

Nag-post din ang Megastar daughter ng larawan kung saan kasama niya ang kanyang ama at lola.

Wala naman itong nabanggit kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang lola Lourdes.

https://www.instagram.com/p/CDrCrSCHPww/