DAVAO CITY – Naninindigan ang ina ng visual artist ni Bree Jonson na si Salome na may foul play ang pagkamatay sa kanyang nag-iisang anak.
Naniniwala ang ina ni Bree na may kaugnayan si Julian Ongpin, ang boyfriend ng biktima, sa pagkamatay ng kanyang anak.
Ito kasi aniya ang huling nakasama ni Bree bago pa man ito natagpuang wala nang buhay.
Base na rin ito sa inilabas na CCTV footage ng Philippine National Police na nagpakitang nagtalo pa ang magkasintahan bago natagpuan nang patay ang biktima.
Nagpahayag rin ng kanyang pagkadismaya si Salome sa pulisya,= na nagsagawa ng imbestigasyon dahil para umanong naging tagapagsalita pa ang mga ito ni Ongpin.
Patuloy rin ang panawagan ng hustisya ng pamilyang Jonson para at umaasang maging mabilis ang pag-resolba ng kaso.
Hinamon naman ni Salome ang ama ni Julian nga si Bobby Ongpin na isuko nito ang kanyang anak at harapin ang kaso.