-- Advertisements --
Nagluluksa ngayon ang singer-actress na si Tippy Dos Santos matapos na pumanaw na ang knaiyang ina na si Happy Dos Santos.
Sa kaniyang social media account, na naaksidente ang sasakyan ng kaniyang magulang noong Disyembre 27 at nitong Disyembre 30 ay pumanaw na ang ina sa edad 58.
Hindi naman nagbigay pa ng ibang detalye ang singer-actress ukol sa nasabing aksidente.
Nagpaabot naman ng kanilang pakikiramay at pagdadalamhati ang mga malalapit na kaibigan at kasamahan nito sa showbiz matapos na mabalitaan ang insidente.