-- Advertisements --
image 119

Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon sa pagpapalabas ng kautusan sa naudlot na planong pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal noong nakalipas na taon ayon kay Ombudsman Samuel Martires.

Ito ay sa kabila pa ng pag-abswelto na ng Office of the President (OP) sa dating mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na siyang lumagda sa nasabing kautusan.

Ito ang Sugar Order No.4 na nagpapahintulot sa importasyon ng nasa 300,000 metric tons ng asukal nang walang approval mula sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nauna ng sinabi ng OP na ang issuance ng Sugar order no.4 ay resulat ng miscommunication.

Subalit ayon kay Martires ang imbestigasyon ng ombudsman ay taliwas mula sa imbestigasyon ng OP.

Inihayag pa nito na wala silang pakialam kung naabswelto na ang mga opisyal na nadawit sa kontrobersyal na importasyon ng asukal.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Martires na hindi maapektuhan ang imbestigasyon ng Ombudsman sa naging desisyon ng OP.

Magugunita na inabswelto kamakailan ng OP sina dating Agriculture undersecretary Leocadio S. Sebastian, dating SRA administrator Hermenegildo Serafica, dating SRA board member Roland Beltran, at Ex- SRA board member Aurelio Gerardo Valderrama Jr.

Ayon sa OP na sa pagkakaalam umano ng apat na respondets ay mayroon silang authority para lumagda sa kautusan na nag-ugat lamang umano sa miscommunication.