Ipagpapatuloy ng Kamara bukas, Agosto 20, ang kanilang pagdinig hinggil sa annual report ng Commission on Audit (COA) na nagdedetalye sa nakita nilang “deficiencies” sa handling ng Department of Health (DOH) sa COVID-19 funds nito.
Nauna nang nakatakda ngayong araw, Agosto 19, ang continuation ng naturang imbestigasyon, pero nilipat na lamang bukas ng House Committee on Public Accounts.
Ito na ang ikalawang pagdinig ng naturang komite, na sinimulan lang naman noong Martes.
Ang Senado ay nagsasagawa rin ng kanilang sariling imbestigasyon sa kaparehon usapin.
Sa pagdinig noong Martes, naging emosyunal si Health Secretary Francisco Duque III at hinamon ang COA na gawin ang trabaho ng DOH sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Duque, hindi na sila nakakatulog dahil sa pagwawarak ng COA sa imahe ng kagawaran.
Magugunita na sa naturang report ng COA, natukoy ang P67.32 billion na deficiencies sa COVID-19 reponse fund ng DOH noong 2020.










