-- Advertisements --
bigas

Isiniwalat ng Philippine Statistics Authority na patuloy na bumababa ang imbentaryo ng bigas sa bansa.

Kung matatandaan, una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang presyo ng bigas sa bansa ay inaasahang tatatag habang nagsisimula na ang ani sa mga pangunahing rehiyong gumagawa ng palay.

Sa pinakahuling ulat ng imbentaryo ng bigas at mais, sinabi ng PSA na ang kabuuang imbentaryo ng bigas ay nasa 1.84 milyong metriko tonelada noong Abril 1, 2023.

Ito ay mas mababa sa 2.51 milyong MT na nairehistro sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ang kasalukuyang imbentaryo ay 30.8% na mas mataas kaysa sa 1.41 milyong MT na naitala noong nakaraang buwan.

Ang mga sambahayan ay umabot sa bulk ng imbentaryo na 55.1% sa 1.015 million MT , sinundan ng commercial warehouse na may 39.3% na bahagi sa 728,730 MT, habang ang mga suplay mula sa National Food Authority (NFA) depositories ay nakakuha ng 5.4%na bahagi sa 99,030 MT.

Kung ikukumpara sa antas noong nakaraang taon, bumaba ng 26 porsiyento ang stock ng bigas sa mga kabahayan.

Bumaba din ng 26.9 porsyento ang stock ng bigas sa mga commercial warehouse.

Una nang inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na ang ibang mga lalawigan ay nagsimula nang mag-ani ng palay na magpapalaki sa suplay nito para sa ating bansa.