-- Advertisements --
ILOILO CITY- Ilo-lockdown ang Iloilo City Hall simula Lunes, Mayo 24 hanggang 28.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ang naturang hakbang ay upang bigyang daan ang disinfection.
Ayon kay Treñas, maraming mga empleyado ng Iloilo City Hall ang nagpositibo sa COVID-19.
Magsasagawa rin ng mass testing sa libo-libong mga empleyado upang matukoy ang mga nahawaan ng COVID-19.