-- Advertisements --

Maaring makapag-avail ng ilang remedyo ang mga ospital na ang mga pasyente ay tinanggihan ang claims ng PhilHealth.

Ayon kay PhilHealth vice president for Corporate Affairs Shirley Domingo, isa sa mga remedyo ay ang paghahain ng motion for reconsideration sa regional level.

Sa oras na tanggihan pa rin ito, maari aniyang dumulog ang mga ospital sa board ng PhilHealth.

Nauna nang tinanong ni Sen. Nancy Binay ang PhilHealth kung sino ang sasalo sa P8.3 billion halaga ng mga denied hospital claims mula noong Enero 2020.

Nababahala si Binay na baka kalaunan ang mga pasyente rin ang siyang pagbabayarin ng kanilang bills at ire-refer na lamang sa PhilHealth na i-proseso ang kanilang claims.

Ayon kay Domingo, patuloy pa rin namang nakikipagdayalogo sa mga ospital ang kanilang regional offices para sa mga PhilHealth claims.

Sa ilalim ng PhilHealth Circular No. 3 series of 2008, ang mga ospital na ang benefits claims ay denied o binawasan ay maaring maghain ng motion for reconsideration sa PhilHealth Regional Offices (PROs).

Maari namang maghain ng final appel sakaling hindi pa rin kilalanin ng PRO ang motion for reconsideration.