Nabigyan ng pagkakataong masuri ang mga balat ng ilang Person’s Deprived of Liberty sa New Bilibid Prison.
Ito’y matapos magsagawa ng libreng medical mission ang grupo ng Philippine Dermatological Society katuwang ang Bureau of Corrections sa pamamagitan ng Directorate for Health and Welfare Services na pinamumunuan ng kanilang Acting Director ,CT/SSUPT Ma. Cecilia V. Villanueva.
Napaulat kase na mayroong mga inmate na nakakaranas ng ilang uri ng skin diseases at illnesses.
Ito ay dahil na rin sa siksikang populasyon at matinding init sa loob ng pasilidad ng bilangguan, kung saan talamak at hindi maiiwasan ang pagkalat ng mga sakit sa balat.
Ayon sa Bureau of Corrections, ang pagpapatuloy ng ganitong programa ay makabubuti sa kalusugan at kalagayan ng mga Person’s Deprived of Liberty at upang maiwasan ang pagkalat ng iba’t-ibat uri ng illnesses lalo na ang sakit sa balat.
Siniguro naman ng kawanihan ang kaginhawahan at kapakanan ng bawat Person’s Deprived of Liberty lalo na ang kanilang kalagayang medikal.