KALIBO, Aklan — Dismayado ang Filipino community sa Texas, USA matapos ang naging kabiguan ng Pinoy boxer na si World Boxing Council (WBC) world featherweight champion Mark Magsayo laban kay undefeated Mexican professional boxer Rey Vargas.
Ayon kay Bombo International Correspondent Pinoy Gonzales marami ang hindi impresibo sa naging performance ni Magsayo.
Dapat aniya na nagkaroon ito ng game strategy at hindi lamang nag-focus sa game plan.
Sa patag umano ng boxing, kailangang sundan ang galaw ng kalaban upang makasabay sa pinapakawalang suntok.
Sa kabila nito, mayroon rin na nagpahayag na naging maganda naman ang ipinakitang laro ni Magsayo kahit hindi ito nagtagumpay.
Ito ay kauna-unahang talo ni Magsayo sa kanyang boxing career.
Nabatid na nanalo si Vargas via split decision sa score na 115-112, 114-113 at 115-112.
Si Vargas na ang kasalukuyang may hawak ng World Boxing Council (WBC) featherweight belt.