-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Pansamantalang sarado ang mga kilalang pilgrimage sites sa lalawigan ng Aklan dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Executive Order No. 023 ni Kalibo Mayor Emeroson Lachica, isasara muna ang Tigayon Hill simula Marso 29 hanggang Abril 4, 2021 upang mapangalagaan ang mga pilgrims at mapigilan ang pagdami ng kaso ng deadly virus.

Nauna dito, ipinag-utos rin ng pamunuan ng Aklan State University sa Banga, Aklan ang pagpapasara muna sa Manduyog Hill, kung saan matatagpuan ang life-sized Station of the Cross.

Nakasanayan nang dayuhin ng libo-libong mga pilgrims at turista ang naturang mga lugar sa paggunita ng Semana Santa at bilang bahagi ng kanilang debosyon.